Nawawala; Missing
Type: Installation
Year: 2017
Media: Sampaguita flowers, rosary, flag, organza fabric, variable
Dimensions: Dimensions vary with installation
Year: 2017
Media: Sampaguita flowers, rosary, flag, organza fabric, variable
Dimensions: Dimensions vary with installation
Kailan ka sisinag
Nawawalang liwanag
Ako’y iyong gisingin
Sa pagkaka-alipin*
Rouse us, bestow us power
To reclaim what was conquered
To rewrite our history
To find our identity*
1 — Dasal; Prayer
Ang nakalipas na buhay ay nagpapatunay sa ating pang-kasalukuyan. Sa paggunita sa mga nawalang buhay sa nakalipas at kasalukuyang estado ng pulitika ng ating bansa, ang bungkos bungkos na mga sampaguita ay sumasagisag sa mga naglahong pagkakakilanlan.
Ano ang layunin ng isang lapida maliban sa pagpapatibay ng mga panalangin para sa ating mga pinakamamahal? Ang bahaging ito ay pagdiriwang ng iba’t ibang damdaming bumabalot sa atin mula sa pagitan ng buhay at kamatayan, pagkawala at pagmamahal, at ang ating pagkakakilanlan ng nakaraan at kasalukuyan.
Past lives confirm our present tense. In commemoration of the lost lives in the forever and current political state of the country, bundled burdens of sampaguita flowers will echo the presence of identities disappeared.
What is a tombstone but a calcified prayer to the ones we love the most? This is a celebration of the mixed emotions that encompass us in the juxtaposition between life and death, loss and love, and how we come to put a name to our bodies in between the past and the present.
2 — Ako ay Pilipino; I am Filipino
Kung ang ating pagkakakilanlan ay palaging nagbabago sa ating tanang buhay, ito ay masasabing marupok. Maihahalintulad dito ang isang watawat. Ang mga tupi at lukot nito tuwing ito ay lumilipad ay sumisimbolo sa ating mga kaluluwa na tumutugon sa ating ideya ng atin at panahon. Ang konteksto nito ay nagbabago sa estado ng kapayapaan at digmaan. Ang kulay nito ay kumukupas mula sa sinag ng araw subalit ito’y kumukupas rin sa ating pagtanggap at pagsabuhay sa mga banyagang pamamaraan.
Sa tanghalang ito, tayo ay mapapa-isip sa nawawala. Paano natin masasabi na ‘tayo ay Pilipino’ ng buong-buo? Paano natin maihahabi pabalik ang ating watawat na gawa natin para sa atin? Kailangan nating paalalahanan ang ating mga sarili na bilang taong-bayan, tayo ay may kapangyarihang pumili na pagsikapin at pagtibayin ang ating pagkakalinlanlan sa katotohanan, sa paghirang ng kulay sa ating watawat.
If an identity shrinks and shapeshifts across time, it is but a fragile thing. An example of this is a nation’s flag. The folds and creases a flag exemplifies in the wind are but our souls reacting with the idea of time and us. Its context shifts in the air of war or peace. Colors fade with sun, and do so too with ingrained colonial ideals, and these accepted ideas.
In this exhibition, we will ask ourselves, for what is broken or loss, how do we sew back our skin to the flesh we were given? How do all the threads of ourselves create the flag we made for us by us? We must remind ourselves that as people, we have a choice, and we must make the conscious effort to confirm our identities in the reality which we choose to color our flag.**
*The poem is a Tanaga, a type of Filipino poetry. The Filipino (Tagalog) and English poems are not direct translations
**Didactic as told by Nathan Truong; translated in Filipino with Danielle Nolasco.